Isang bote, isang extra-ordinaryong pag-ibig ang dala ng akda ni Nicholas Sparks. Ito ang pangalawang nobelang ginawa nya kasunod ng The Notebook
Kung nagustuhan mo ang The Notebook, magugustuhan mo din ang ikalawa nyang akda. Mula sa masayang wakas ng The Notebook ay binuksan ni Sparks ang trahedya sa ikalawa nyang akda.
Pareho lang ding elemento ang ginawa ni Nichlas sparks sa akda nyang ito at sa The notebook. Una ay ang kwento ng pag-ibig na nawala. Sinundan ng kamatayan ng bida. Naaalala ko biruan namin ni Mama kapag bumibili ako ng libro ni Nicholas Sparks. sasabihin nyang "huhulaan ko, mamamatay din yung bida sa kwento na yan". Natatawa na lang ako kapag sinasabi nya iyon.
Pinakikita lang sa katauhan nila Garett at Theresa ang kakaibang pag-iibigan.
Si Garett sa tingin ko ay ilan na lang sa lalaking nalalabi sa buong mundo. Siya ang ang klase ng tao na higit kung umibig. Mamahalin mo talaga ang katauhan ni Garett. Kung isa kang babae, kikilingin ka at magiging ideal man mo si Garett sa simula. Sa pagpapatuloy ng kwento ay maiisip mo na hindi pala sya ang lalaki na gusto mong makasama habambuhay pero sa huli ay mamahalin mo ulit sya. Ganito ang ginawa ni Sparks sa katauhan ni Garett, pabago-bago para magkaroon ng panlasa at excitement sa mambabasa.
Kung babae ka, kikiligin ka sa tauhan na si Garett dahil sobra syang magmahal. Bihira na ang mga lalaki sa panahon na ito na matinding magmahal. May ilan na sex lang ang habol at nanloloko ng babae para madagdag sa koleksyon nya ng mga ex-girlfriend na akala nila makakadag-dag ng pogi points sa kanila.
Samantalang si Theresa, isa lang syang normal na babae na nahulog sa isang lalaki. Wala naman kakaiba. sa kwento nya. Makikita mo lang sa kanya ang isang mapagmahal na ina sa kaisa-isang anak nya na si Kevin.
Saan ba umiikot ang istorya na ito?
Mula sa paghahanap ni Theresa sa nagmamay-ari ng bote nabuo ang maikling pag-iibigan na umabot lang ng apat na araw. Siguro naisip ko na noon pa man nauso na ang madaliang pagmamahalan. Hindi sya love at first sight. Marahil dinadala ka lang nitong pag-ibig sa taong mamahalin mo talaga ng tunay.
Pumasok din ang isa sa punto ng istorya ang pagkakaroon ng long distance relationship. Natutuwa ako kung paano ginalaw ni Sparks ang daloy ng kwento. Pinakita nyang hindi hadlang ang distansya sa pag-iibigan kaya sa huli gumawa sila ng paraan upang magkita.
Kapag tunay kang nagmamahal, hindi mahalaga ang layo nyo sa isat-isa. Kung mahal mo ang isang tao, makapaghihintay ka na magkita kayong dalawa. Sa tingin ko, hinahanap lang ng katawan mo ang minamahal mo kaya ganoon ang nararamdaman mo. At kahit malayo sya, kung talagang mahal mo sya, hindi mo magagawang manloko o samantalahin ang pagkakalayo nyo. Mananatili kang faithful at mapagmahal.
Ang pinaka tema na siguro ng kwento ay dapat mo ng kalimutan ang nakaraan para umusad ang iyong kasalukuyan. Dahil sa nakaraan masisira ang relasyon nila ng kanyang kasalukuyan. Totoo ito, mahirap kalimutan ang tunay mong pag-ibig subalit kung nakilala mo na ang taong magpupuno sa kalungkutan mo at magpapakita na ang mundo ay maganda, hawakan mo ang kasalukuyan at iwan ang nakaraan para magkaroon ka ng magandang kinabukasan.